ABOUT


Marahil ay nagtatanong ka kung ano ba itong Laguna on Sale. Nababahala ka na kapag ini-like mo yung Facebook Page o nag subscribe ka sa blog na to eh bebentahan ka ng kung ano-ano. O baka naman networking ito tapos bigla ka nalang aayain mag kape sabay sabi ng "open minded ka ba?" O di kaya isa itong page para sa mga binebentang bahay, gamit sa bahay, nakikitira sa bahay ng may bahay, sumakabilang bahay at kung ano-ano pang nasa bahay - bahay kubo, bahay-bata, ay ano ba?


Para mabigyan ka ng panatag na kalooban, ang Laguna on Sale po ay hindi buy and sell site, hindi din po ito networking site, at lalong lalo na pong hindi po real estate site. Ang Laguna on Sale po ay isang website at Facebook page kung saan inilalathala ang mga "On Sale" - hindi po "For Sale" ha, magkaiba yan. Ito po ay nabuo dahil mahilig tayo sa "Sale" - "Uy may sale sa SM ah".

Pano naman ito makakatulong sa inyo? Madali lang, dahil nga dito nailalathala ang mga on going sale dito sa Laguna, malalaman mo agad kung saang mall/store ka maaring pumunta para sa sale. Katulad nitong meme (meem po basa ha hindi meh-meh - umayos ka) sa ibaba. Oh diba tama? Kaya dapat spend wisely - doon ka sa "On Sale".

Don't just buy it, get it on sale! Kaya visit na Laguna on Sale.

Sana ay kinapulutan nyo ng aral - Kuya Kunot

P.S. Please don't forget to subscribe to this blog and like our Facebook Page.


No comments:

Powered by Blogger.